Sunday, September 24, 2006

haaaaaaaaaaaaaayyyyy.......

untwa???

sino ba ang mas mahalaga?ang taong mahal mo o ang taong gusto mong mahalin?ang taong kasama mo buong araw o ang taong iniisip mo bago matapos ang araw?
siya bang kasa-kasama mo sa lahat ng ginagawa mo
o siyang dahilan ng lahat ng galaw at ginagawa mo?


sino ba ang mas mhalaga?
yung taong nais mong makasama habang buhay
o yung taong hindi mo makita ang habang buhay kapag wala siya?sino ang mas matimbang?
yung taong pag kasama mo'y parang kay bilis ng oras
o yung taong tuwing iniisip mo'y parang kay bagal ng oras?

ano ang susundin mo?
ang dinidikta mo sa puso mo
o ang dinidikta ng puso mo sa'yo?siya ba yung laging pumapasok sa isip mo o siya yung laging laman ng panaginip mo?


sino nga ba?
ang taong nagpaluha sayo, o ang taong nagpunas sa minsang pagluha mo?sino sa kanila?
ang taong nagpapatawa sayo
o ang taong dahilan ng lahat ng iyong emosyon?

No comments: