Monday, July 16, 2007

Sa Natutunaw na Balita!!!!

Rape victim humiling ng re-enactment. Humiling ang isang rape victim ng re-enactment sa ginawang pagtakas sa lalaking nang-rape sa kanya. Ginagawa ng babae ang kahilingan matapos ipagpilitan ng suspek na kusa niyang pinalaya ang biktima. Ayon sa biktima siya ay nakatakas nang makatulog ang suspek matapos ang ginawang pangrirape


Headless body na-identify sa dental records. Nakilala na ang isang
headless body sa pamamagitan ng kanyang dental records ilang araw matapos na
matagpuan din ang kanyang ulo malapit lang sa pinagtapunan ng kanyang katawan.


Bata, kinagat ng langgam, patay! Namatay na ang batang naaksidente
matapos kagatin ng langgam. Ayon sa pulisya tumatawid sa kalye ang bata nang
kagatin ng langgam sa paa. Yumuko ang bata para tirisin ang langgam kaya hindi niya
napansin ang dumarating na taxi na nakabundol sa kanya.


Kahilingan ng garbage collectors ibinasura. Nagpaplanong mag-aklas ang
mga garbage collectors matapos ibasura ng kumpanyang pinapasukan ang kanilang
kahilingan na taasan ang kanilang buwanang suweldo.

Bulag, eyewitness sa pagpatay. Nahuli ang pinaghihinalaang salarin sa pagpatay nang siya ay itinuro ng isang witness sa krimen. Nakilala pa rin ang suspek maski bulag na ang isang mata ng witness.


Plane crash, walang nakaligtas, ayon sa piloto. Napaulat na walang nakaligtas sa mga sakay ng bumagsak na Cessna plane ayon sa piloto ng Medivac helicopter na agad sumugod sa pinangyarihan ng trahedya.


Bangko hinoldap ng teller. Isang savings bank sa Pampanga ang hinoldap ng isang babae. Madaling nakilala at nadakip ang holdaper dahil sa suot na bandana at dalang bolang crystal. Nalaman na ang suspect ay isang fortune-teller.


Kakulangan ng tubig isinisi sa baha. Maraming tao sa Manila ang nagkasakit ng diarrea dahil sa pag-inum ng maruming tubig. Nagkarun ng kakulangan ng malinis na tubig dahil sa mga pagbaha na naging dahilan para macontaminate ang water supply.


Lalaki bumunggo sa bus, naospital. Naospital si Rex matapos bungguin ang bus na sasakyan sana. Hinahabol ni Rex ang bus nang biglang huminto ang sasakyan dahil may tumawid sa kalye. Hindi napansin ni Rex ang paghinto ng bus dahil nakalingon siya sa isang babae. Sumalpok si Rex sa bus.